Pilipino's Outside the Philippines
Pinoy inupakan ng karibal, na-comatose sa Saipan
(Aries Cano)
Nasa kritikal na kondis­yon ang isang Pinoy makaraang bugbugin ng dating nobyo ng kanyang lokal na kasintahan sa harapan ng isang eskwelahan sa Saipan.
Kasalukuyang nakaratay sa Commonwealth Health Center sanhi ng matinding pinsala na tinamo sa ulo ay idineklarang brain dead ang Pinoy na nakilalang si Larry Gonzales.
Nasa intensive care unit ng pagamutan si Gonzales at kinabitan ng life support machine.
Wala umanong kapamil­ya sa Saipan si Gonzales kaya walang makapag­desisyon kung ano gagawin sa sitwasyon nito.
Ayon kay Department of Public Safety acting spokesman Jason Tarkong, natukoy na ang pagkakakilanlan ng suspek subalit hindi muna nagbigay ng iba pang detalye ukol dito.
Sinabi naman ng mga kaibigan ng biktima na na­aresto na umano ng pulisya ang suspek na dating boyfriend umano ng teenager na nobya ni Gonzales.
Batay kay Miriam Buatis, 35-anyos at kaibigan ng biktima, nangyari ang insi­dente bandang alas-singko ng hapon nitong Lunes, Marso 1 sa tapat ng Kagman High School sa Saipan.
Nakikipag-usap umano sa kanyang nobya si Gonza­les nang dumating ang suspek at binigwasan ng suntok sa mukha ang Pinoy.
Bumagsak at tumama umano ang ulo ng Pinoy sa sahig at binanatan pa ito ng sunud-sunod na tadyak ng suspek bago tumakas.

Comments

Popular posts from this blog

HIS MAJESTY SULTAN MUHAMMAD FUAD A. KIRAM I

SULTANATE OF SULU, "THE UNCONQUERED KINGDOM"